Monday, May 21, 2012

HITHIT, BUGA.

Coz I've been smoking a lot more than normal lately. I know, I know. :(

Sumindi sa aking isipan
ang akala ko'y limot ko na
ang tamis ng paalam mo
na kasing pait ng hawak kong sigarilyo

Humihithit, bumubuga
pinipilit matanggal ka
Sana'y sa bawat usok na lumalabas
Unti-unti ka rin nawawala sa aking diwa

Hihithit, bubuga
Maari bang sabayan ito ng ala-ala.
Ang bawat hithit, ang bawat buga
Simbolo ng kawalan ng pag-asa

Hithit, sabay buga.
Hithit, sabay buga.



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...